m♥EMO DiArieS
Sunday, October 31, 2010
Ano
Napakalungkot maging mag-isa. Napakarami ko sanang gustong sabihin sa kanila pero hindi ko magawa. Minsan kapag ako lang mag-isa at wala talaga akong maka-usap marami akong naiisip at gusto ko itong isulat pero kapag isusulat ko na ito ay nawawala sa isipan ko at kailangan ko nanamang mag-isip. Sa pamamagitan kasi nito ay naaaliw ako kahit sandali lang at para na rin akong may kakwentuhan. Minsan nga naiinis na ako eh kasi bakit kahit na nasasaktan at nahihirapan na ako hindi ko parin magawang magbago, at doon ko nga narealize na kaya pala hindi ko kaya ay dahil sa may mga naghihintay sa akin na kaibigan. Sila ang mas nakakaintindi sa akin kapag nalulungkot at nagkakaproblema ako. At mas lalo ko pang nararamdaman ang kanilang pag-aaruga kapag kahit na malayo sila ay pinaparamdam nila sa akin na “I’m very special.” Kaya naman siguro na mas nararamdaman ko na mas masaya ako kapag kasama ko sila. Napupunan nila ang lahat ng pagmamahal na kailangan ko at hindi nila ako iniiwan.
You’ll never say just ‘‘GOODBYE’’
Masaya naman ako kahit papaano. Malungkot nga at ito ang nangingibabaw na damdamin ko kapag naiisip ko na di ko na siya makikita pa at makakasama. Pero kahit kanoon, iniwanan niya ako ng napakaraming ala-ala. Dalawang araw bago siya umalis, binigay niya sa akin ang tatlong bagay na aking hinihintay na gawin niya. Ang tumingin sa akin, lumapit sa akin at hawakan ako. Napakasaya ko ng araw na iyon at napaniginipan ko pa siya na hinawakan niya ang kamay ko at tila nag-aalala dahil sa pagod at hilo na iniinda ko. Ilang beses ko rin siyang napaniginipan bago ang gabing iyon. Naalala ko pa tuloy nang tinanong ako ng isa kong kaibigan kung obsessed ba talaga ako sa kanya ata ng sabi ko ay “oo nga, gustong-gusto ko talaga siya!”at hindi ko lang siya gusto…mahal ko siya sabi ko sa sarili ko. Pero alam ko na kahit kalian di niya ito mapapansin.Bago pa siya umalis, pumunta siya sa room naming at pagkatapos ng pakay niya doon ay umalis din siya pero bago ‘yon ay tinanong muna naming siya kung din a siya babalik at ang sagot niya ay”malay ko? Hindi na, baka?”. Nalungkot ako noon at hinihiling n asana ay mag-extend pa siya. Bago siya lumabas noon ng room ay nagkatinginan pa kami at ngumiti siya sa akin at nang pababa na siya ng building, habang nagpapaalam sa kanya ay tila di niya napapansin dahil sa dami ng taong nakapalibot sa kanya. Bumababa kami noon at kasunod niya lang ako sa hagdanan. Gustong-gusto ko siyang hawakan at magpaalam ng personal, magpasalamat at sabihan ng goodluck at mag-ingat palagi pero parang may kuryenteng nakapalibot sa kanya. Pati sa unti-unti niyang pag-alis, siya parin ang sinusundan ng mga mata ko na gusto nanng umiyak pero nilalabanan dahil kailangan. Kailangang itago ang nararamdaman kahit na alam na ng iba dahil di talaga maiwasan at mapigilan.
Babalik ka pa ba? Nagpaalam ka kasi sa iba pero di ka nagpaalam sa akin.
Anong gagawin ko? Aalis ka na. iiwan mo na ako. Naririnig mo ba ako? Sinisigaw ko kasi ang pangalan mo sa puso ko. Sana marinig mo para malaman mo na ikaw lang ang mahal ko. Sana sa isang araw…..magkita tayo at bumalik ka sa piling ko.
Babalik ka pa ba? Nagpaalam ka kasi sa iba pero di ka nagpaalam sa akin.
Anong gagawin ko? Aalis ka na. iiwan mo na ako. Naririnig mo ba ako? Sinisigaw ko kasi ang pangalan mo sa puso ko. Sana marinig mo para malaman mo na ikaw lang ang mahal ko. Sana sa isang araw…..magkita tayo at bumalik ka sa piling ko.
Ano nang Gagawin Mo?
Minamahal mo siya ng di niya alam. Anong gagawin mo kung di mo na mapigilan ang iyong nararamdaman? Sasabihin mo ba sa kanya o itatago na lang basta? Paano kung malapit na siyang umalis at imposibleng magkita pa kayo kahit sa daan? Sasabihin mo ba sa kanya para malaman na niya o itatago na lang kahit na ika’y masasaktan?
Hindi mo alam ang mangyayari kung ito’y sasabihin mo sa kanya. Di mo alam kung magagalit ba siya, kung matutuwa ba siya o ayos lang parang walang nangyari, parang wala kang sinabi dahil kaibigan lang talaga ang turing niya sayo. Kung di mo rin sasabihin, masasaktan at masasaktan ka rin dahil nawala siya sayo ng di maan lang niya nalalaman na mahal mo siya.
Paano mo siya pakakawalan at kakalimmutan kung di mo man lang alam kung ano ang reaksyon o nararadaman niya para dito? Paano mo siya maipagpapalit kung siya lamang ang laman at sinisigaw nng puso mo?
Ang utak mo ang siyang nag-iisp at ang puso mo ang kumokontrol sa iyo at kapag sila ay nagkaisa isa lang ang dinidikta. Siya ang naging inspirasyon at pag-asa sa mundong paguho na, siya rin ang nagbigay ng kulay sa mundo mong walang buhay. Siya ang lahat para sayo at siya ng mundo mo. Kahit sa pagtulog siya ang panaginip, sa umaga sa gabi siya ng nasa isip. Kahit saan ka pumunta, iniispi mo n asana siya ng lagi mong kasama. Hinihiling mo na sa bawat sandali, siya ang nasa tabi at kahit na anong tanungin, siya lamang ang tanging hiling.
Ako
Ako ‘to maraming maging gusto. Gusto kong maging katulad niya, niya, at niya at marami pang niya. Pag ako lang mag-isa heto ako, ganyan ako, simple at totoo pero pag may kasama n akong iba, iba na rin ako, ang pagkatao at ang pag-uugali ko lalo na kapag hindi ko gusto ang nasa harapan ko. Nahihirapan ako sa sarili ko dahil hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko. Kapag tinatanaong nila ako kung ano ba talagang gusto ko ay hindi ko alam kahit na isipin ko pa nang isipin yon. Maraming naiinis na kaklase ko sa akin kasi daw bakit napaka unsociable ko. Napakalayo ko raw sa mga kapatid ko. Sila marami silang kaibigan at kakilala pero ako…kakaunti lang. kung hindi ako makikipag-usap sa kanila at pilitin ko ang sarili ko na makipag-usap sa kanila siguro wala na akong kaibigan sa eskwelahan namin. Minsan hindi ko sila maintindihan dahil minsan talagang iniiwasan nila ako at minsan naman ay hinahangaan nila ako. Sana hindi na lang muna ako pinanganak dito. Siguro kung nangyari yon iba siguro ang pagkatao ko ngayon. Siguro nag-iba rin ang tadhana ko.
Subscribe to:
Posts (Atom)